Logo

Norzagaray College

College Hymn


By: Dr. Ermelito V. Dela Merced

Music Arrangement by: RJ Cruz


Humakbang ka sa landas ng buhay

Harapin mo ang bukas, walang alinlangan

Anumang balakid sa iyo ay hahadlang

Kaya mong supilin, may sandatang taglay.


Talino mong dito ay napanday

Kasama ng pagiging lingkod-bayan

Hangarin niyang dakila, iyo ngayong taglay

Kaya bandila nya iyong iwagayway


Norzagaray College, salamat sa iyo

Ngalan mo'y taglay naming sa isip at puso

Layunin mo'y dadalhin saan mang sulok ng mundo

Di malilimutan kadakilaan mo,


Adhikain niya sa isip mo ay nakintal

Kapuri-puri sa Diyos at sa bayan,

Pagsisilbi sa bayan at sangkatauhan

Sa puso mo ay parating dasal.


Norzagaray College, salamat sa iyo

Ngalan mo'y taglay naming sa isip at puso

Layunin mo'y dadalhin saan mang sulok ng mundo

Di malilimutan kadakilaan mo.,

Logo
Responsive Bootstrap Footer
© 2025 Norzagaray College